149
MPBL: Apreku nasikwat ng Pampanga Lanterns
May 22, 2019 @ 17:19
By ,

MPBL: Apreku nasikwat ng Pampanga Lanterns

Mula Muntinlupa ay nag-ober da bakod sa Pampanga Lanterns si Felix Apreku at magsasanib-pwersa ito kasama si Marlon Gomez sa darating na season ng MPBL.

Matapos ma-recruit ng Lanterns sina Riel Cervantes ng Manila at sina Wilson Baltazar at Dan Alberto mula Imus, si Apreku ang bagong dagdag rito.

Mismong si Pampanga coach Bong Ramos ang nagkumpirma sa pagdating ni Apreku sa Lanterns, at naniniwala ito mas magiging malakas ang tsansa nila na makatungtong sa playoffs ng liga.

“Makakatulong talaga sa amin itong dalawa. Getting these players means we can now get more rebounds,” sabi ni Ramos.

Isa mga halimaw sa rebounds si Apreku na rumehistro ng 10.43 rebounds per game at may 10.25 points kada laro.

Tila nagbalik-bayan lang si Gomez sa Pampanga matapos siyang ma-trade noong mid-season para kay Levy Hernandez. Si Hernandez ay tinapon sa Navotas Clutch na may average na 12.94 points at 10 boards per outing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?