4

By

MPBL: Alvarez, Mangahas pabibo sa Batangas, Makati

Sharing is caring!

Giniba ng Batangas Athletics at Makati Super Crunch ang kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup.

Nakaligtas sa overtime ang Athletics kontra Rizal Crusaders, 92-90, para sa ikaapat na dikit na panalo Miyerkoles ng gabi sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Tumitibay sa puwestuhan ang inaugural champion Batangas na ngayon ay nasa ikaapat na pwesto na sa Southern Division tangan ang 8-6 win-loss record.

Para kay veteran guard Lester Alvarez, ang pagkapanalo ng tropa ay indikasyong muling bumabalik sa dating porma ang mga kampeon.

“Nung una kasi, masama talaga simula namin dahil sa injuries, then marami ring bago kaya hirap kami sa chemistry,” wika ni Alvarez.

Pumoste ng 23 puntos si Alvarez.

“Yun talaga ang tendency. Kapag medyo mahina kalaban, nagri-relax, pero sa totoo lang, wala naman talagang mahinang team. At any given night, pwede silang makasorpresa, kaya kami nahirapan kanina,” dagdag nito.

Sa unang laro ay pinadapa naman ng Makati ang Zamboanga Valientes, 77-65, para sa ika-siyam sa panalo sa 13 laro.

Pumoste ng 30 puntos ang Makati sa fourth canto sa pangunguna ni James Mangahas na may 13 puntos, anim na assists at limang rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?