44

Jan 21, 2020 @ 22:19
By

MPBL: Alday kumampay, Sarangani kinatay

Umiskor si Alwyn Alday ng 20 points, kabilang ang krusyal na lima sa mahigit pitong minuto pa upang pasabugin ng Bicol Volcanoes ang Sarangani Province, 86-72, sa 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup 2010-2020 Martes ng hapon sa Alonte Sports Arena, Biñan.

“Grabe sobrang importante ‘to kaya sabi ko nga sa kanila, kailangan namin ‘to para magkaroon kami ng magandang edge sa kalaban,” kuda ni Bicol LCC Stores coach Mon Kallos.

Pero si ex-pro Ronjay Buenafe ang aktuwal na nanguna sa opensiba ng Bikolano sa kinayod na 26 markers kakabit ang 7 boards, 6 assists at 2 steals upang kunin ang 14-13 kartada sa South Division.

May 12 pts., 3 caroms at 2 dimes si Jonathan Aldave sa pagsukli sa performances nina Alday at Buenafe.

Walang saysay ang 21 pts. at 7 boards ni Pari Llagas sa pagtanggap ng Sarangani ng 26th loss sa 27 games.

Ang iskor:

Bicol-LCC Stores (86) – Buenafe 26, Alday 20, Aldave 12, Lalata 9, Mondragon 7, Garcia 7, Guerrero 3, Ongteco 2, Manalang 0, Gusi 0, Alfonso 0.

Sarangani Province (72) – Llagas 21, Dionson 13, Alih 6, Dimapiles 5, Soriano 4, Morada 3, Trinidad 3, Nocos 2, Cabanog 2, Medalla 1, Timon 0, Macantal 0, Ballon 0, Clavel 0.

Quarters: 13-18, 36-38, 57-58, 86-72.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?