129

May 7, 2019 @ 16:52
By ,

MPBL: Alberto, Baltazar swak sa Pampanga

Bukod sa bagong head coach ng Pampanga Lanterns na si Bong Ramos, palalakasin din ng koponan ang roster sa pagkuha kina Winston Baltazar at Dan Alberto sa nalalapit na bagong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Hunyo 12.

Si Baltazar at Alberto ay naglaro para sa Imus Bandera noong nakaraang season – si Baltazar ay rumehistro ng 6.31 points per game.

Habang si Alberto naman, na isa sa mga go-to-guy ng Bandera, ay may average na 5.38 points, 2.5 rebounds at 2.5 assists per game.

Bukod kina Alberto at Baltazar, ilang key players din ang nadagdag sa Pampanga gaya nina Marlon Gomez at Riel Cervantes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?