146

May 14, 2019 @ 16:08
By ,

MPBL: Abrigo tawid sa Manila

May dagdag lakas ang Manila Stars sa darating na season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Ang 6-foot-3 na si Gian Abrigo ang bagong recruit ng Stars sa darating na season ng pinakamalaking regional amateur basketball sa bansa.

Unang naglaro sa Quezon City Capitals si Abrigo sa inaugural staging ng liga bago lumipat sa Mandaluyong El Tigre.

Magiging malaking dagdag si Abrigo sa Stars matapos mawala ang isa sa mga big man nito na si Riel Cervantes.

Bukod kay Abrigo, makakasama na niya rin sa mas intact at malakas na Stars ang ilang former professional players na sina Ronnie Matias at Carlo Lastimosa kasama rin sina dating La Salle stars Mark Dyke at Jollo Go.

Noong nakaraang season ay nag-average si Abrigo ng 9.84 points at 8.6 rebounds per game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?