10

By

MPBL: 6 na dikit kinalawit ng Athletics

Sharing is caring!

Unti-unti na muling nakukuha ng Batangas Athletics ang tamang timpla ng kanilang tropa.

Muli na naman nasungkit ng inaugural champion ang panalo nang lampasuhin ang Parañaque Patriots 71-57 Huwebes ng gabi sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa Imus Sports Center.

Ito na ang ikaanim na sunod na panalo ng Batangas sa liga na bitbit ang 11-6 na baraha at solo nito ang ikalawang pwesto sa Southern Division.

Depensa ang naging susi ng Athletics para masikwat nito ang panalo nang malimitahan ang Patriots sa 30 percent lamang sa field (21-of-69).

Nanguna para sa Batangas si Jeff Viernes na rumehistro ng 17 puntos habang tumapos naman ng double-double ang big man nitong si Jhaymo Eguilos: 14 puntos at 11 rebounds.

Umayuda naman sa tropa si Mark Olayon na may 10 puntos.

Samantala, ito na ang ikawalong talo ng Parañaque sa 16 na laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }