88

Jul 20, 2018 @ 13:02
By

MPBL: 3rd straight win naitarak ng Makati vs Davao

Naiahon ng Makati Skyscrapers ang 79-77 win mula sa matinding bakbakan nila kontra Davao Occidental-Cocolife sa ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna, Huwebes ng gabi.

Ang off the bench player na si Cedrick Albaza ang itinanghal na player of the game na tumapos ng 22 puntos kalakip ang tatlong 3-point field goals at 8 rebounds.

Tumulong din sina Philip Paniamogan at Jeckster Apinan na rumehistro ng 16 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod, at naihatid ang Skyscrapers sa ikatlong sunod na panalo sa apat na laro.

Nasa 2nd spot na ng South Division ang Makati na may 3-1 standing kahanay ang Bataan at Mandaluyong kasunod ng San Juan na nangunguna pa rin na may 3-0 marka. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?