73

Oct 3, 2018 @ 16:32
By

MPBL: 2 dikit na tagumpay, sinukbit ng Laguna

Tuloy-tuloy ang pag-alagwa ng Laguna Krah Heroes sa Datu Cup ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), dinribol ang ikalawang sunod na panalo sa tono ng 61-54 tagumpay kontra Batangas City Athletics Martes ng gabi, Oktubre 2, sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Huling nanalo ang Heroes sa balwarte ng Pasay kontra Manila Stars, ngayon ay muli silang nanaig sa balwarte ng Voyagers.

Nanguna para sa Laguna si Michael Mabulac na tumapos ng 14 puntos, walong rebounds, dalawang steals at limang blocks katuwang si Ralph Olivarez na may 12 puntos at anim na rebounds.

Sinabi ni Laguna coach Alex Angeles na depensa ang naging susi nila para maungusan ang ang inaugural champs na Batangas.

“‘Yung practice pa rin namin sa defense, ‘yung detalye ng defense namin talagang pina-practice this time tapos lahat talaga sila gutom, gustong manalo,” saad ni Angeles.

Naitabla sa 50-all ng Batangas ang laro sa huling anim na minuto kaya agad tumawag ng timeout ang Laguna at doon ay nagpatuloy ang pag-alagwa nila hanggang maselyo ang ‘W’.

Bitbit ngayon ng Laguna ang 6-4 kartada habang ang Batangas ay patuloy sa paglubog tangan ang 4-6 win-loss record sa Southern Division ng liga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?