162
MPBL John Rey Villanueva at Cedric Ablaza
Jan 29, 2019 @ 18:35

MPBL: 11 kabit na panalo, sapul ng Makati

Nilantakan ng Makati Super Crunch ang ika-11 kabit na panalo sa Maharlika Pilipinas Basketball League Datu Cup sa bisa ng 78-73 panalo kontra San Juan Knights Lunes ng gabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan City sa Laguna.

Bumandera para sa Super Crunch sina John Rey Villanueva at Cedric Ablaza nang pagtulungan nilang bugbugin ang Knights para irehistro ang 17-4 baraha at selyuhan ang ikalawang pwesto sa Northern Division.

Pumoste si Villanueva ng 21 puntos kabilang na ang 11 sa second canto habang may 19 naman si Ablaza.

“We’re not concerned about the streak. The most important thing for us is we were able to beat one of the toughest teams in the tournament and moved up in the standings,” wika ni Makati coach Cholo Villanueva.

Pero kahit maganda ang pinapakita ng kanyang tropa at naitutuloy nito ang kanilang winning streak, inamin ni Villanueva na hindi niya pinapansin ang pwesto nila dahil marami pang kailangang ayusin sa kanila.

Bukod sa magandang opensa, naging tinik din para sa Knights ang ipinamalas na depensa ng Super Crunch sa ace players nito na sina PBA player Mac Cardona at John Wilson.

Sa pagkakatalo naman ng San Juan, bagsak ang tropa sa fourth spot sa parehong dibisyon bitbit ang 17-5 baraha. (Fergus E. Josue, Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?