8

By ,

MPBL: 10th win binigay ni Najorda sa Davao

Sharing is caring!

Patuloy ang pag-alagwa ng Davao Occidental Tigers nang pabagsakin ang Navotas Clutch, 72-59, sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Sabado ng gabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pinoste ng Tigers ang 10-3 win-loss record sa Southern Division habang bagsak sa 5-8 baraha ang Clutch sa North.

Nanguna para sa Tigers si Leo Najorda na tumapos ng 17 puntos, anim na rebounds at dalawang assist.

“Siyempre we’re happy but it’s not a good time to relax, it is way a long way to go. The South, everybody like Batangas they are all becoming better, Muntinlupa is hard to beat, so we gonna prepare and get better,” wika ni Davao coach Don Dulay sa Abante Online.

Nasa ikalawang pwesto ng Southern Division ang Davao kasunod ng nangunguna sa nasabing division na Muntinlupa na bitbit ang 9-2 na kartada.

Higit isang linggo pa ang hihihintayin ng Davao para sa sunod nitong laban at sunod nitong makakaharap ang Zamboanga Valientes at paghahandaan aniya nila ito.

“They have a lot of veteran players there like Reed Juntilla, so we gonna be ready for them, they played tough defense so I think we got 10 days to get ready,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?