32

Sep 11, 2021 @ 17:46
By

MPA sa pagbili ng bakuna tatanggalin – Galvez

Nakatakda umanong baguhin ng pamahalaan ang estratehiya sa pagbili ng bakuna sa hinaharap kung saan ang mga LGU at pribadong sektor ay makakabili ng kanilang suplay nang hindi na dumadaan sa multi-party agreement (MPA).

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ito ay kaugnay ng nalalapit na pagpasok ng ‘reformulated boosters’ na tinuturok para mapataas ang efficacy ng bakuna.

“In the future, we’ll change our procurement strategy. ‘Yung ating mga LGU at private sector pwede na dumiretso, wala na tayong magiging MPA,” wika ni Galvez ngayong Sabado.

“For 2022, we are now negotiating with four manufacturers for the introduction of reformulated booster… this is the next-generation booster to extend efficacy,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyang panuntunan, ang mga LGU at pribadong sektor ay nakakabili lamang ng bakuna sa pamamagitan ng MPA sa pagitan nila, ng national government at ng manufacturer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?