64

Sep 21, 2019 @ 18:52
By

Movie ni J.Lo, bawal ipalabas sa Malaysia

Pinagbawal sa Malaysia ang pelikula ni Jennifer Lopez tungkol sa mga stripper.

Inanunsiyo ang ban sa “Hustlers” movie sa social media ng local distributor na Square Box Pictures.

Wala namang ibinigay na dahilan ang distributor sa naturang ban pero sinabi ng film censorship board (LPF) na puno ito ng obscene content at wala nang matitira sa pelikula kapag inalis nila ang mga ito.

Ang “Hustlers” ay hango sa real-life story ni Samantha Barbash at tatlo pa na nagnakaw ng $200,000 mula sa mga lalaking drinoga nila.

Nasa mahigit $30 million na ang kinita ng pelikula sa North American theatres mula nang magbukas ito noong nakaraang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?