Todo-puri ang natanggap ng dating pelikula ni Coco Martin sa sikat na writer na si Paulo Coelho.
Sa Twitter ni Coelho, kanyang isinaad na isa ang ‘Kinatay’, ang 2009 film na idinerek ni Brillante Mendoza, na isa ang pelikulang Pinoy sa pinaka-disturbing na pelikulang napanood nito.
At kung sakali raw na idinirehe ito ng sikat na direktor na si Quentin Tarantino, posible itong makapasok sa prestihiyosong award body na Oscars.
One of the most disturbing movies I watched in 2018 – great screenplay, director, actors. A Filipino movie that, if it was directed by Tarantino, would be shortlisted for the Oscar. pic.twitter.com/78hdk5SoCH
— Paulo Coelho ☮️ (@paulocoelho) December 27, 2018
Ang ‘Kinatay’ ay isang indie film na tungkol sa isang errand boy na ginampanan ni Coco Martin na nagtatrabaho para sa isang sindikato.
Si Coelho naman ay kilala sa kanyang mga akda na ‘The Alchemist’ at , ‘Veronika Decides to Die’. (RP)