255

By

Move on na! Vico Sotto tinawanan ang isyung pandaraya

Pinabulaanan ni incoming Pasig Mayor Vico Sotto ang bintang ni outgoing mayor Bobby Eusebio na nandaya umano siya sa eleksyon.

Ayon kay Vico sa panayam sa ANC, sinabi nito na walang katotohanan ang pagdadawit sa kanya ni Eusebio sa dayaan lalo’t wala naman siyang kontrol sa mga balota.

“If it’s true and if he does push through that, medyo nakakatawa naman. Sila iyung incumbent, hawak nila ang ballot boxes… If he does push through with it, siya naman po ang mapapahiya, hindi naman po kami,” ayon kay Sotto.

Aniya pa, hindi dapat mangamba ang mga government official dahil wala siyang balak magtanggal basta’t gawin lang nila ang kanilang mga trabaho nang maayos.

“I’m not asking for anyone’s loyalty. You don’t need to be loyal to me to remain an employee of city hall. What’s important is you’re loyal to the city, you’re loyal to your service,” aniya pa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon makalipas ang 27 taon na hindi isang Eusebio ang magpapatakbo ng pamamahala sa Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?