254
Move on na, magpaka-mayor ka! – Guia Gomez kay Francis Zamora
Jul 11, 2019 @ 14:46
By

Move on na, magpaka-mayor ka! – Guia Gomez kay Francis Zamora

Hindi na umano tama ang mga patutsada ni San Juan Mayor Francis Zamora, ayon kay dating mayora Guia Gomez kung saan ay mali ang sinabi nitong walang pondong iniwan ang kanyang administrasyon.

“Move on as mayor. Be a mayor, Mayor Francis. Do not look back because tapos na ako. Move on, continue whatever you think is good for San Juan. Love your city because if you’re going to love your city, if you’re going to move on and be a mayor,” ayon kay dating San Juan Mayor Guia Gomez na kung saan ay nababahala na sa mga ginagawang pagbatikos ni mayor elect Francis Zamora sa kanyang nagdaang administrasyon.

Lubhang nababahala na kasi si dating San Juan Mayor Gomez sa mga paratang ni Zamora na walang iniwang pondo ang kanyang administrasyon.

Paliwanag ng mayora, makikita ang mga proyektong inilaan ng kanyang administrasyon na tulad ng city hall, bagong school buildings at facilities, pabahay program, makabagong San Juan Medical Center na kumpleto sa pasilidad at iba pa.

Hindi rin umano totoo ang paratang na nasa P700-M ang iniwang utang kundi nabayaran na ito noong nasa posisyon pa si Zamora bilang vice mayor at sa ngayon ay nasa P295-M ang naiwan utang dahil sa mga proyekto at programang nagawa sa loob ng kanyang tatlong taong termino, (June 30, 2010 – June 30, 2019).

Sa kabila nito, handa naman si Gomez na humarap sa Commission on Audit (COA) matapos ang banta ni Zamora na magpapatawag ito ng COA upang masuring mabuti kung may nagaganap na korupsyon sa nagdaang administrasyon.

“Welcome sa akin ang COA to audit para magkaalaman na,” ayon pa kay Gomez na sinabing hindi siya nagpabaya sa programa at proyekto sa San Juan at maging ang mga empleyado ay hindi niya pinabayaan dahil maayos at on time silang nabibigyan ng suweldo at benepisyo.

Dagdag pa ng dating alkalde, hindi mabibigyan ng parangal ang San Juan bilang awardee ng Seal of Good Governance kung may anomalyang nagaganap sa siyudad na kung saan ay COA mismo ang maga-aasure na pasado ang lungsod. Ito ay dahil alam ng pamahalaan na maayos at maganda ang San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?