103

Sep 21, 2021 @ 15:39
By

Move on na? LJ Reyes nagpa-short hair

Mukhang kay LJ Reyes ngayon pinaka nababagay ang katagang ‘Ako nga pala ang sinayang mo.’

Ilang linggo matapos lumipad sa New York bunsod ng hiwalayan nila ng long-time partner na si Paolo Contis, nilantad ni LJ ang kanyang new-look: ang mas pinaikling buhok.

Suot ang pink na terno, inirampa ni LJ sa Manhattan, New York ang kanyang bagong hairdo sa isang IG post.

Bagamat walang caption, sapat na ang mga larawan ng aktres para dumugin ng reactions at comments ng mga netizen, maging mga kapwa artista.

Ang pagpapaikli ng buhok ay isa sa mga sinasabing senyales na ang babae ay naka-move on na sa isang past relationship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?