moute
By

Moute, na-dislocate ang balikat sa no-bearing game kontra Lakers

Sharing is caring!

Halos 15 laro na ang iniliban ni Houston Rockets forward Luc Mbah a Moute noong Disyembre at Enero matapos mawala sa ayos ang kanan niyang balikat dahil sa masamang bagsak.

Ngayon, nangyari muli ito sa Staples Center nang mag-dunk si Moute at pagbagsak niya ay naitukod ang kanang kamay, sa wala nang halagang laban sa Western Conference leaders.

Natamo niya ito sa second quarter ng laban kontra Los Angeles Lakers kung saan lamang ang Houston ng bente, 63-43, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Pinas).

Nakaselyo na ang Rockets (64-16) ng pagiging top seed sa West playoffs ngunit pinaglaro pa rin ni coach Mike D’Antoni ang starting lineup niya.

Kabilang si Moute sa ikutan ng players ng Rockets, na nag-a-average ng 7.6 points at 3.1 rebounds kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?