42
Aniceto-Bertiz
By

MOU ng Pilipinas, Kuwait ‘toothless deal’ – Bertiz

Sharing is caring!

Hindi bilib si ACTS-OFW partylist Rep. Aniceto ‘John’ Bertiz III sa panukalang “memorandum of agreement (MOU)” sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait para protektahan ang Filipino domestic workers sa nasabing bansa.

Tinawag ni Bertiz ang MOU na “toothless deal” dahil wala rin umanong enforcement mechanisms gaya ng labor inspections bukod pa sa hindi nakalagay kung ano ang parusa sa Kuwaiti employers na magkakait ng karapatan sa Filipino domestic workers.

Nagbabala ang kongresista na mananatiling prone sa abuso at pangmamaltrato ang mga Filipino domestic workers sa Kuwait kahit malagdaan ang naturang kasunduan.

Binanggit ni Bertiz na noong ipatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban sa Kuwait ay naglatag ito ng demands bago ikunsidera ang pagbawi sa kautusan.

Kabilang anya dito ang pagpapahintulot sa Filipino domestic workers na mahawakan ang kanilang mga pasaporte, makagamit ng cellphones, mabigyan ng sapat na pahinga at makapaghanda ng kanilang pagkain.

“It is basically a vague promise. It doesn’t guarantee fulfillment of the terms set forth by President Duterte himself,” sabi ni Bertiz.

“Without the means of enforcement or coercion, we cannot expect reasonable compliance by Kuwaiti employers,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?