15

By

Motorsiklong walang rehistro, higpitan pa – Duterte

Sharing is caring!

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na maghigpit sa mga motorsiklong walang rehistro at walang lisensiya.

Sinabi ng Pangulo na lubhang napakarami na ang mga motorsiklong nakakalat sa mga lansangan dahil masyadong mura na ang mga ito at napakadaling bilhin.

Mapanganib na aniya ang highways, kalsada at eskinita dahil sa pagdami ng mga murang mororsiklong galing sa ibang bansa kaya madalas ang mga aksidente.

“The dangers now sa ating nga highways and alleys and roads is the advent of cheap motorcycle sa Japan. Napakaraming mga sasakyan na mura na lahat nabibili at ginagamit sa public road,” anang Pangulo.

Sinabi ng Presidente na dapat mabawasan ang maraming bilang ng mga motorsiklo sa lansangan kaya kailangang maghigpit sa mga walang rehistro at walang lisensiyang motor rider.

“You might want to help by lessening their number. Wala ‘yang rehistro, walang mga lisensiya ‘yan. Ako pagka ganun, I will not – ‘di papayag na ganoon na lang,” dagdag ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }