52

By

Motorsiklo sinalpok ng trak: Mag-ama patay, 1 pa kritikal

Sharing is caring!

Nasawi ang isang ama at anak niyang lalaki habang agaw-buhay ang isa pang anak na babae nang salpukin ng humaharurot na truck ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Valenzuela City kagabi.

Sa ulat ni Valenzuela City Police Chief Senior Supt. Nicolas Poklay, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Romeo Escamate, Jr., 34, security guard at Mark Robert, 9.

Kritikal naman ang lagay sa Valenzuela Medical Center ng isa pang anak ni Escamate na si Mary Lord, 10.

Ayon sa pagsisiyasat, sakay ang mag-aama ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Dulalla Bridge, Barangay Lingunan alas-9:15 ng gabi nang magtangkang mag-overtake si Escamate sa isang humaharurot na trak.

Nakaabot ngunit kinapos ito matapos na may makasalubong na isa ring motorsiklo dahilan upang mawalan ng kontrol si Escamante sa manibela at masalpok sila ng nasabing trak.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang mag-aama kung saan nagulungan pa ng trak sina Escamante at Mark Robert.

Tumakas ang driver ng trak matapos ang insidente na sa ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?