39
rider
May 31, 2018 @ 13:59

Motornapper, dedbol sa Bulacan

Isang lalaki ang tumimbuwang sa operasyon na ikinasa ng mga awtoridad sa Barangay Poblacion, Sta. Maria, Bulacan.

Ayon sa report, namatay umano sa shootout ang isang hinihinalang motornapper na si Caloy Calunod sa Barangay Poblacion.

Dalawang pulis at isang police asset ang nakipagkita kay Calunod para bilhin dito ang nakaw na motor na ibinebenta ng suspek sa halagang P5,000.

Nakatunog ang suspek na mga pulis ang kausap niya kaya nagpaputok ito ng baril na ginantihan ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ni Calunod. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?