173

Sep 16, 2019 @ 11:01
By

Motornaper patay, 1 pa tiklo vs pulis sa Las Pinas

Naaresto ng Las Piñas Police ang isang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo habang napatay naman ang isa pa matapos magpalitan ng mga putok at manlaban ang lalaking tinangkang agawin ang motorsiklo ng isang pulis, kahapon ng tanghali, Setyembre 15, sa Barangay Manuyo Dos, Las Piñas City.

Batay sa nakalap na ulat ng Southern Police District, nakilala ang naarestong suspek na si Mico Pernia Gimong habang nasawi naman si Jayson Victoriano, alyas Tisoy, residente ng Dasmariñas City Homes.

Nagkaroon umano ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng dalawang magnanakaw ng motorsiklo at pulis na si PCpl. Eric Jones Ambat, nakatalaga sa Las Piñas Police.

Naganap ang insidente bandang alas-1:30 ng tanghali sa kahabaan ng Barangay Manuyo Dos, habang sakay ang biktimang pulis sa kanyang motorsiklo, nang tangkain umano ng dalawang suspek na agawin ang motor nito sa pamamagitan ng panunutok ng baril hanggang sa magkaroon ng putukan at mapatay ang isa sa mga suspek na nagtamo ng multiple gun shot wound habang naaresto ang isa pa.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?