38

Feb 9, 2020 @ 14:56
By

Motorista nag-amok, 3 katao binaril sa Quezon

Hindi nagustuhan ng isang motorista ang pambabangga sa kanya ng isang motorcycle rider, dahilan para paputukan nito ang nakabangga at mga kasama nito sa Quezon Province nitong Linggo.

Ayon sa pulisya sa Candelaria, nabangga ni Arnold Estolano, 19, may kasama pang dalawang back rider, ang motorsiklo ni Ladislao Tubo sa Barangay Mangilag Norte, ala-una ng madaling-araw.

Matapos nito ay nainis daw ang kasamang nakaangkas ni Tubo at bumunot ng calibre 45 pistol at pinagbabaril ang sina Estolano at dalawang kasama nito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Matapos nito ay tumakas si Tubo at ang suspek.

Kaagad na dinala ang mga biktima sa United Candelaria Doctors Hospital para lapatan ng lunas.

Hinahanap ngayon ng awtoridad si Tubo at kasama nito para madakip.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?