432
hell-angels-bandidos
May 4, 2018 @ 17:19
By

Motorcycle gangs mula Australia, nakakalat na sa ilang lugar sa PHL – HPG

Namonitor na ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa ilang lugar sa bansa ang motorcycle gangs na galing Australia partikular ang Hell Angels at Bandidos.

Ayon kay PNP-HPG Director Police Chief Supt. Arnel Escobal, mula sa Cebu kung saan nila unang namonitor ang grupo, ay nakarating na ang mga ito sa Clark, Pampanga at sa Nationa Capital Region.

“Meron Cebu, Clark and meron rin sa NCR, ‘yun ang based sa report ng DI,” sabi ni Escobal.

Ngunit batay sa report ng PNP Directorate for Intelligence, wala pa rin silang namomonitor na aktibidad ang motorcyle gangs.

“We are still conducting investigation at intelligence monitoring para malaman natin ‘yung mga outlaw motorcycle criminal gangs kasi sabi nga natin walang mga nare-report pa silang activities so really have to dig deeper,” dagdag pa ni Escobal.

Kuwento ni Escobal, sa kanilang naging conference sa Jakarta, Indonesia pinalalabas ng mga motorcyle gang na ito na sila ay mga caused-oriented groups at nagbibigay ng donasyon o may mga aktibidad sa komunidad.

Ngunit ang totoo sangkot sa gun running, extortion at drug trafficking ang grupo.

Mas maigting naman ang pakikipag-ugnayan ngayon ng PNP-HPG sa mga motorcycle club upang matiyak na hindi makakahalo rito ang mga motorcycle gang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?