20

Feb 9, 2021 @ 16:22
By

Motor vehicle inspection suspendihin – Poe

Hiniling ni Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpaliban ang implementasyon ng Motor Vehicle Inspection System (MVIS) hangga’t hindi nareresolba ang ilang isyu at reklamo ng mga motorista sa panahon ng pandemya.

“The timing of its implementation could not have been worse. We are still in the middle of a pandemic with no definite end in sight. Hindi ba puwedeng time-out muna habang nasa gitna pa tayo ng pandemya?” sabi ni Poe.

“The costs are prohibitive for a still imperfect system. Mula sa P500 noon na emission testing fee, naging P1,500 o triple ang iminahal ngayon ng inspection fee. Dagdag pa ito sa mismong registration fee na maaaring umabot ng higit pa sa P3,000. Para sa isang sistema na napakaraming problema, makatuwiran ba ang mga bayaring ito?” tanong pa ng senadora.

Binigyang-diin ni Poe, chair ng Senate committee on public services, ang kakulangan ng konsultasyon sa paglipat ng mga MVI center mula sa emission testing.

“Safer roads mean no shortcuts. The public must be consulted and informed every step of the way. Dapat kabahagi ang mga motorista sa paghulma ng ganito kalaking polisiya,” ani Poe.

Kasabay nito, hiniling din ng senadora sa DOTr at sa Land Transportation Office na isumite ang listahan ng mga private motor vehicle inspection center (PMVIC) kasama ang mga may-ari at incorporator nito.

“Ibinigay ninyo sa pribadong namumuhunan na three years lang mababawi na nila. ‘Eh kung nasa kanila ng ilang taon ‘yan, ‘e ‘di ang laki ng kita nila. Bawi na sila ng tatlong taon,” ani Poe.

Sa kasalukuyan, may 138 PMVIC ang kasalukuyang accredited at 23 pa lamang ang nag-o-operate kaya’t hindi sapat para i-accommodate ang lahat ng mga sasakyan na kinakailangang iparehistro taon-taon.

Sabi ni Poe, kung lahat ng pribadong sasakyan ay magbabayad ng P1,500, ang bawat MPVIC ay kikita ng milyon kada araw o P261 milyon sa unang taon ng operasyon nito.

“Sino ang may-ari ng mga center na iyan na binigyan na ng permit nang wala pang regulations?” tanong ni Poe.

Bukod sa listahan ng PMVIC, hiniling din nito sa LTO at DOTr na isumite ang minutes of the consultation ng mga stakeholder.

“While we want the problems in land transport fixed, we should never go about it experimentally. Not during the pandemic, not ever. Kung may mag-a-adjust dito, hindi ang mga motorista… Those who conceive of these far-reaching policies must obey the oldest rule on the road: Stop, look and listen,” ayon pa sa senadora.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?