Motocross riders irarampa ng Bernos-Lacnit duo sa Abra

Sharing is caring!

Aarangkada na ang inaabangang Congressman JB Bernos International Freestyle Motocross sa Enero 27-28 sa Namagpagan Motocross Track, Poblacion, La Paz, Abra.

Nasa ikapitong taon, hangad ng kompetisyon ang ipakilala ang motocross tourism sa bansa sa 12 kategorya sa karera at freestyle exhibition.

“Bawat taon, nag-iimbita kami ng malalaking bituin sa freestyle motocross, tulad ng mga international rider mula Amerika. Ngayong taon, dadalhin namin dito ang mga pinakamahuhusay na freestyle riders ng mundo,” ani SELJ SPORTS president at Hari ng Motocross na si Jay Lacnit, ang partner ni Bernos sa karera.

Darating sa bansa ang mga international freestyle rider na sina Tom Robinson, Harry Bink, Steve Mini, Scott Fitzgerald, Blake Bilko Williams, at Emma McFerran. Ang mga alamat na celebrity riders na sina Jack McNeice, Corey Creed, at Denis Stapleton ay dadalo rin sa nasabing kompetisyon.

Ikinagalak din ni Mayor Ching Bernos at ipinagmalaki na naging tagahanga na ng motocross ang buong Abra dahil sa kompetisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?