62

Jun 14, 2019 @ 14:49
By

Motion to dismiss binasura: Estrada, Napoles lilitisin sa plunder case

Nakahanap ng sanap na ebidensya ang prosekusyon para ituloy ang kasong plunder kontra kay dating Senador Jinggoy Estrada at pork barrel queen Janet Lim-Napoles.

Ayon sa Sandiganbayan, tuloy ang paglilitis kina Estrada at Napoles dahil sa umano’y maling paggamit ng P183M na mula sa pork barrel ng Senador.

Ito ay matapos ibasura ng ng Sandiganbayan ang demurrer para ma-dismiss ang kaso dahil sa mahinang ebidensya.

This court is convinced that the prosecution presented sufficient evidence, both testimonial and documentary, which established each element of the crime of plunder against the accused,” ayon sa Sandiganbayan.

“This, if unrebutted by contrary evidence, is sufficient to support a conviction,” saad pa.

Sa demurrer nito, sinabi niya na hindi umano natukoy kung sino ang mastermind sa kaso kaya dapat mabasura ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?