117

By

Mosyon nina Alejano, Diokno, Tañada, sinopla ng OSG

Kinontra ng Office of the Solicitor General (OSG) ang hiling ng tatlong nakulelat na senador noong nagdaang 2019 midterm elections na nahaharap sa kasong sedisyon na ipadiskwalipika ang OSG bilang mga abogado ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Sa isinumiteng Omnibus Comment, iginiit ng OSG na may higit na awtoridad ang special panel of prosecutors na binuo ni Justice Secretary Menardo Guevarra para magsilbing abogado at hawakan ang mga preliminary investigation ng nasabing kaso.

Batay na rin sa Executive Order 292 o Administrative Code of 1987, isinasaad na ang DOJ ang itinalagang pangunahing prosecutorial arm ng gobyerno at may mandatong mag-imbestiga sa mga krimen.

Nanindigan ang OSG na may kapangyarihan ito para maging abugado ng PNP-CIDG akma na rin sa itinakda ng Administrative Code na nagsasabing ang OSG ang dapat na maging kinatawan ng gobyerno, ng mga ahensya nito, instrumentalities, mga opisyal at ahente sa alinmang litigation, proceeding, investigation o mga usapin na nangangailangan ng serbisyo ng mga abugado.

Wala rin umanong nakikitang conflict of interest ang OSG dahil ang kinakatawan nito ay ang mismong ahensya ng pamahalaan at hindi mga respondent na public official.

Sakali namang umabot ang reklamo sa korte, ang magiging “real party-in-interest” ay ang People of the Philippines, at sandali namang makarating ito ng appellate court sa Court of Appeals o Korte Suprema, ang OSG pa rin ang tatayong abogado ng People of the Philippines.

Nauna nang nagsumite ng dalawang magkahiwalay na mosyon ang kampo ng mga respondent na sina dating opposition Senatorial bets Gary Alejano, Jose Manual Diokno at Erin Tanada, at ni Dating Supreme Court Spokesman Theodore Te kung saan hiniling nila na madisqualify ang OSG bilang abogado ng PNP-CIDG sa reklamo.

Bukod sa sedition, kasama rin sa inihain laban sa kanila ay ang reklamong cyberlibel, libel at estafa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?