25

Nov 25, 2021 @ 16:45
By

‘Most wanted’ sa Tarlac nalambat sa Pampanga

Inaresto ng mga pulis ang isang most wanted ng Tarlac sa Mabalacat, Pampanga nitong Miyerkoles.

Kinilala ang suspek na si Romnick Basco, 22, most wanted ng Tarlac na nagtatago sa bayan ng Magalang sa Mabalacat.

Ang suspek ay may dalawang kaso ng panggagahasa at paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

Sa pakikipag-ugnayan ng Tarlac City police sa mga awtoridad ng Magalanag, natunton at naaresto si Basco dalawang linggo matapos maglabas ng warrant of arrest para sa pag-aresto dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?