22

By

Most Wanted ng San Juan pinosasan

Nadakip na kahapon, Enero 21, sa Barangay Greenhills, San Juan ang Top 1 most wanted sa San Juan na may kasong panggagahasa.

Nadakip ng San Juan Police ang suspek na si Jerwin Burnafe, alyas “Tito Jabby,” 28 anyos na residente ng Barangay 1st West Crame sa bisa ng January 8 arrest warrant sa kasong qualified rape.

Nahuli nila ito bandang 5:30 ng hapon, Enero 21, sa Caltex Gasoline Station sa may Ortigas Avenue corner Club Filipino Street ng Barangay Greenhills.

Pinangunahan ni Chief of Police for Administration, Police Lieutenant Colonel Rolando Santos ang matagumpay na operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?