18

By

‘Most wanted’ ng MPD, nadakma sa Malate

Sharing is caring!

Arestado ang Number 1 most wanted person ng Police Station 5 ng Manila Police District (MPD).

Kinilala ang suspek na si Mikko Nuestro, 24-anyos, walang trabaho at residente ng Ma. Orosa St., Malate, Manila.

Nadakma ang suspek pasado alas-11:45 ng gabi noong Linggo sa bahagi ng Leveriza St., Malate.

Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Daniel Villanueva ng Manila Regional Trial Court dahil sa kasong robbery.

Kaagad naman na dinala sa Ospital ng Maynila ang suspek para isailalim sa medical examination at sa Station 5 para idokumento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?