67
arestado
By

Most wanted ng CAR pinosasan sa Abra

Timbog ng mga pulis ang most wanted person ng Cordillera Administrative Region (CAR) matapos mahuling nagtatago sa Barang Kili, Tubo, Abra, noong Sabado.

Kinilala ng Tubo Police Station (TPS) ang suspek na si Marlon Butil, 40, ng Tabacda, Tubo ng nasabing lalawigan

Ayon sa TPS, si Butil ang tinuturong suspek sa pagpatay sa tatlong lalaking mangangaso sa Besao, Mountain Province noong buwan ng Mayo ng kasalukuyang taon.

Nakilalaang mga biktima ng suspek na sina Jansen Gabaen, Ronnie Macayba at Pedro Sauyen na pawang taga- Agawa, Besao, Mountain Province. Nakita ang kanilang mga duguang katawan malapit sa Nakanga River sa bayan ng Tubo noong Mayo 27, 2019, isang linggo ang nakalipas matapos iulat na nawawala sila.

Ang pagkakahuli sa suspek ay sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Elizabeth Bringas, ng Regional Trial Court Branch 58, Bucay, Abra kung saan walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Sa ngayon, kasalukuyang nakakulong ang suspek sa TPS.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?