wanted

Most wanted na holdaper ng Malolos, nasakote

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng nasa ika-7 sa most wanted personalities ng Malolos Police matapos ang masusing follow up investigation sa Barangay Caingin, Malolos Sabado ng gabi.

Sa bisa ng isang arrest warrant na inilabas ng Caloocan Regional Trial Court Branch 126, agad na nadakma ang madulas na si Frederick Lopez, nahaharap sa kasong robbery hold-up at inirekomenda ng korte ang P100,000 piyansa para sa suspek.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos Police, kabilang umano si Lopez sa serye ng holdapan sa ilang lugar sa Metro Manila at kilabot na holdaper sa Malolos.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Malolos detention cell habang inihahanda pa ang kaukulang kaso laban kay Lopez. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?