18

Jan 17, 2021 @ 16:13
By

‘Most Wanted Man’ sa Metro Manila nadakip sa Parañaque

Inaresto ng kapulisan ang ‘most wanted man’ ng Metro Manila sa Parañaque kahapon.

Kinilala ang nadakip na si Ronnie Bolista na may kasong double murder at frustrated murder.

Ayon sa ulat, nahuli si Bolista ng police tracker team sa San Antonio Valley, Barangay San Isidro.

May kinahaharap din umanong warrant of arrest ang suspek sa mga naturang kaso na inisyu ng Malabon Regional Trial Court.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?