21

Jan 20, 2021 @ 14:35
By

Most wanted carnapper ng Metro Manila timbog

Pinosasan na ng awtoridad ang most wanted carnapper sa National Capital Region.

Kinilala itong suspek sa pagnanakaw ng kotse na si Josef Marquez.

Sa isang ulat, sinabing ang suspek ay kinorner ng mga tauhan ng Highway Patrol Group (HPG) alas-nuwebe ng umaga, Enero 18, sa harap ng Solaire Resort and Casino sa Barangay Tambo, Parañaque.

May nakabinbing arrest warrant si Marquez para sa carjacking na inisyu ng isang regional court sa Santa Rosa, Laguna, ayon kay HPG director Brig. Gen. Alexander Tagum.

Dagdag ng opisyal, sangkot umano si Marquez sa iligal na pagkuha ng mga sasakyan sa pamamagitan ng iba’t ibang car theft scheme.

Nakasaad sa records na nasasangkot din umano si Josef sa credit card fraud at real estate scams sa Metro Manila, Calabarzon, at Gitnang Luzon.

Dinala na si Marquez sa Camp Crame, Quezon City para sa dokumentasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?