39

Aug 31, 2020 @ 18:15
By

Morris kay Doncic: Iyak ka na lang!

On and off the court ang patama ni Marcus Morris Sr. kay Luka Doncic bago ang Game 6 ng serye sa pagitan ng LA Clippers at Dallas Mavericks.

Sa ikalimang laro ng sagupaan ng dalawang koponan nagsimula ang bangayan ng dalawa, ito’y matapos na maapakan ni Morris ang ni Doncic, kung saan paniniwala ng huli ay posibleng sinadya ito ng Clippers forward.

Ang paa kasi na inapakan ni Morris ay sakto sa left ankle ng Slovenian player, na nagtamo ng sprain bago pa man ang laban.

“I really hoped the first game wasn’t on purpose, but looking back at the foul this game you know what I think,: saad ni Doncic kay Morris.

Muling nagsalpukan ang dalawa sa Game 6 nang i-karate chop ni Morris si Doncic, na nauwi sa ejection dahil sa flagrant foul penalty 2.

Nang makita ito ni Morris, sinabi nito na tanging pag-iyak na lang ang magagawa ni Doncic dahil malalaglag na sila sa Game 6.

“Cry me a river.Clips in 6,” patama nito sa Dallas superstar.

Nagkatotoo naman ang banat ni Morris, kinubra ang panalo ng Clippers, 111-97, at umabante sa second round kung saan makakatapat nila ang mananalo sa dikit na serye ng Utah Jazz at Denver Nuggets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?