621

Oct 4, 2018 @ 16:17
By

Morissette tanging non-Korean singer sa Asia Song Festival 2018

Last month ay nag-advice ang doktor kay Morissette Amon na ipahinga muna ang kanyang boses dahil nagkaroon siya ng ‘strenuous vocal activity’.

Pansamantala kasing nawalan ng boses ang singer nang mag-perform siya last month sa ibang bansa.

Kaya kahit may halong kaba si Morissette sa appearance niya sa Asia Song Festival 2018 ay nanaig ang kagustuhan na makasali kung saan ginanap ang competition sa Korea taon-taon.

Ang opening performance ni Morissette sa ASF ay ang OPM collaboration nila ni KZ Tandingan na ‘Throwback’.

Pangalawang inawit ni Morissette ay ang Resignation ng South Korean vocal group Big Mama member na si Lee Young-Hyeon. Hiyawan ang inabot ng emotional rendition ng pagkakaawit ng singer na pinalakpakan ng mga nasa loob ng Busan Asiad Main Stadium.

Eksplika ni Morissette, kung bakit napili niya ang ‘Resignation’, gusto raw niyang i-challenge ang sarili. Korean friend daw ang nag-suggest sa kanya na ‘yun ang kantahin.

“I’ve wanted to challenge myself and do something I’ve really never done before. When I first heard this song, it really brought me to tears. A Korean friend suggested this song to me, but he’s based in my country – and I decided to put my own twist to this song. This is originally by the powerhouse Lee Young-Hyeon and I hope you like my rendition of this song.”

Second time ni Morissette sumali sa Asia Song Festival. At siya lang ang non-Korean singer na nag-participate sa annual pop music Festival ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?