34

Oct 28, 2021 @ 21:14
By

Morente, Samonte lalagare pa

Mas kakayod pa ang tandem nina Michelle Katherine Morente at Julianne Marie ‘Jules’ Samonte ng Eastern Communications Perlas Spikers makalipas ang quarterfinals finish sa pagbabalik ng 6th Beach Volleyball Republic On Tour 2021 first leg sa Santa Ana, Cagayan nitong Oct. 22-25.

Kasalukuyang pumapalo na ang dalawang dalagang balibolista sa BVR On Tour second leg na binuksan Huwebes at matatapos sa Linggo (Okt. 31) sa nabanggit ding lugar at puntiryang mahigitan ang Last 8 placing sa opening leg.

“I’m very pleased sa ipinakita namin, especially that it is just a short time na nag-training kami. And feeling ko, factor din kasi ang nag-focus talaga kami sa beach volleyball ngayon. Unlike before, ‘di ba, during our college years, parang there’s indoor. Kailangang mag-training sa indoor. Kailangang mag-training sa beach. Alam mo iyon, hindi ka makapag-focus sa isang bagay lang,” sey ni Morente, 27.

Dinagdag pa niyang, “So now, a big factor na nagte-training lang kami sa beach. Feeling ko, doon kami nag-push na mag-jell together.”

Pasalamat naman si Samonte, sa natatanggap na mga suporta at sa Eastern Communications.

“We are grateful that we were given this opportunity to represent Eastern Communications. We are thankful that they have given full support,”aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?