3
views
moreland
By

Moreland, Kennard kuminang sa Pistons vs Bulls

Sharing is caring!

Nanalo sa huling laro ang Detroit Pistons matapos kalusin ang Chicago Bulls, 119-87, Miyerkoles ng gabi.

May career high 16 points, 17 rebounds, 4 blocks at 4 steals si Eric Moreland habang dumale rin si rookie Luke Kennard ng career-high 23 points para sa Detroit.

Laglag na sa playoffs ang Pistons pero lumaban pa rin sa Bulls.

“We also have a resilient group, everybody cares on this team, and everybody just comes to work every day,” ani Moreland. “But even coming out not making the playoffs, I knew everybody would play hard and go into the offseason with our heads high knowing we played hard.”

Napanatili naman ng Bulls ang pagiging No.7 sa draft lottery na magaganap sa Mayo 15, na apat na sunod na ang itinatalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?