51

Mar 13, 2020 @ 18:10
By

Moratorium sa mga mall, ipatupad ng mga landlord – JV Ejercito

Nanawagan si dating Senador JV Ejercito na magpatupad muna ng moratorium ang mga bangko at landlord para makaya ang epekto ng coronavirus outbreak ng mga negosyante.

Ang moratorium ay ang pag-delay muna sa pagbabayad ng para sa pwesto o renta ng mga business owner.

Ayon kay Ejercito, marapat lang na ipatupad ito lalo na sa mga mall dahil makakatulong sa pag-survive ng mga empleyado at mga may-ari ng negosyo na malagpasan ang COVID-19 situation.


Simula March 15 ay nasa ilalim ng community quarantine ang Metro Manila, na lubhang makakaapekto sa negosyo ng maraming business owner.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?