359

Aug 11, 2020 @ 21:20
By

Morales taob sa 2 PhilHealth VP na dawit sa ‘mafia’

Binunyag ni PhilHealth President Ricardo Morales ang dalawang opisyal na umano’y sangkot sa ‘mafia’ ukol sa korapsyon ng ahensya.

Dinikdik ni Senadora Risa Hontiveros si Morales na magsabi ng pangalan ng kasama sa mafia ng PhilHealth, kung saan kanyang kinanta sina Region X Vice President Masiding Alonto Jr. at BARMM VP Khaliquzzaman Macabato.

Ngunit ayon kay Morales, wala siyang magawa dahil sa laki ng impluwensya ng dalawa sa pagpapatakbo ng PhilHealth.

“I couldn’t move them,” ayon sa PhilHealth president.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?