33

Jun 19, 2020 @ 18:05

Morales pinabayaan mga korap sa PhilHealth

Bigo umano si Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) President at Chief Executive Officer Ricardo Morales na malinis ang anomalya sa ahensiya na isa sa mandato na ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spoke person Harry Roque ,ang pahayag ni Morales na tanging korte lamang ang makakapagtanggal sa mga tiwali sa PhilHealth ay isa lamang pagtatangka para mailipat niya ang atensiyon sa kanyang pagkabigo na malinis ang ahensiya.

Sinabi ni Roque na mali ang pananaw ni Morales, dahil sa katunayan siya ay may administrative power para suspendihin at tanggalin ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng PhilHealth.

“A case in point was when Mr. Morales took the advice from his counsels to withhold official documents in relation to the WellMed ghost dialysis scam. The National Privacy Commission had to opine what any person should know: That internet privacy is not a shield from investigation for graft and corruption,”ayon kay Roque.(Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?