8

Morales, mangunguna sa padyakan sa Le Tour de Filipinas

Sharing is caring!

Pangungunahan ni national champion Jan Paul Morales ang 30 local riders kasama ang 50 international riders sa 9th Le Tour de Filipinas na magsisimula sa Linggo sa Quezon Memorial Circle sa Quezon City.

Matatapos ang padyakan sa Burnham Park sa Baguio City sa Miyerkoles.

Katambal ni Morales, na siyang lider ng Philippine Navy-Standard Insurance squad, si Ronald Oranza.

Kabilang sa mga banyagang team na kalaban ng local riders ang Terrenganu Cycling Team ng Malaysia, Pishgaman Cycling Team (Iran), Nice Devo Cycling Team (Mongolia), Interpro Cycling Academy (Japan), Oliver’s Real Food Racing (Australia), Korail Cycling Team (South Korea), Team Sapura Cycling Team (Malaysia), Ningxia Sports Lottery Livall Cycling Team (China), KFC Cycling Team (Indonesia) at Uijeongbu Cycling Team ng South Korea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?