54

Dec 6, 2017 @ 18:54

Morales, Klitschko at Wright pasok sa Boxing Hall of Fame

Maihahanay na sa International Boxing Hall of Fame sina Mexican legend Erik Morales, heavyweight boxer Vitali Klitschko at Ronald ‘Winky’ Wright.

Inihalal ang tatlo sa modern boxer category.

Ayon sa ESPN, upang maging pasok sa naturang kategorya, ang isang boksingero ay kinakailangang hindi na aktibo o lumaban sa boxing ng hindi bababa sa limang taon.

Huling tumuntong ng boxing ring sina Klitschko, Morales at Wright taong 2012.

Pumabor sa kanila para ilagay sa Boxing Hall of Fame ang Boxing Writers Association of America at panel ng international historians.

Naging pro boxer si Morales, 41-anyos, noong 1993 na may record na 52-9, 36 KOs.

Nagwagi noon si Morales taong 2005 kay Pinoy pride Manny Pacquiao via unanimous decision sa unang laban sa trilogy nila.

Ang tubong Ukraine naman na si Klitschko (45-2, 41 KOs), 46, ay naging professional boxer noong 1996.

Habang nakilala naman sa pagiging magaling dumepensa ang kaliweteng si Wright (51-6-1, 25 KOs).

Siya ay 46-anyos na mula sa St. Petersburg, Florida at dating undisputed junior middleweight champion.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?