79
views
ABANTE ombudsman conchita carpio morales impeachment kamara
By

Morales kinantiyawan sa isyu ng ‘parking fee’ sa mga kaso

Sharing is caring!

“Bato bato sa langit, ang tamaan wag magalit!”

Ito ang inihayag ng Malacañang sa pagkontra ni Ombudsman Conchita Carpio Morales sa ibinunyag na “parking fee” sa mga kaso ng isang contender sa kanyang babakantehing puwesto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi dapat balat-sibuyas ang mga opisyal at nagtatrabaho sa gobyerno.

Ang “parking fee” aniya sa Ombudsman ay matagal ng alam ng publiko kaya sa halip na magalit o mag-ingay si Morales ay dapat alamin nito at tanungin ang kanyang mga tauhan.

Nakapagtataka aniyang si Morales na lamang ang hindi nakakaalam sa ginagawa ng ilan sa kanyang mga tiwaling tauhan gayong alam ito ng lahat ng mga may kaso at transaksiyon sa kanyang tanggapan.

“Bato bato sa langit ang tamaan wag magalit. Sa akin dapat ang mga taong gobyerno hindi balat sibuyas. Ang sinasabing parking fee siguro lahat alam na yan, lantad na katotohanan yan. Eh kung hindi pa alam ni Conchita Morales yan,eh siya na lang siguro ang hindi nakakaalam. Matagal ng alam ng publiko yan,”ani Roque.

Ang ‘parking fee’ ay malaking halaga ng salapi na ibinibigay umano sa mga may hawak sa kaso sa Ombudsman para hindi ito umusad at mabinbin lamang hanggang sa tuluyang madismiss ito.

Iginiit ni Morales na walang katotohanan ang paratang at ang gumagawa aniya nito ay ang mga taong nagbunyag nito.()##

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?