47

May 21, 2019 @ 17:34
By

Morales ide-deport matapos harangin sa HK airport

Nitong Martes ng gabi umano pababalikin ng Pilipinas si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales matapos siyang idetine sa Hong Kong Immigration sa Terminal 1 ng airport.

Ayon sa mga ulat, pinigil sa airport si Morales dahil umano sa pagiging “security risk” nito pero hindi binanggit kung paano siyang naging banta.

Bumiyahe umano pa-Hong Kong ngayong Martes si Morales kasama ang kaniyang pamilya para magbakasyon pero hindi pinayagang makapasok ng nabanggit na bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?