15
e-twain-moore
Apr 5, 2018 @ 12:55
By

Moore, Davis inakay ang Pelicans sa pagsagasa sa Grizzlies

Umiskor si E-Twaun Moore ng 30 points habang may 28 points at 12 rebounds si Anthony Davis para tulungan ang New Orleans sa paggupo sa Memphis Grizzlies 123-95 Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Pilipinas).

Nangapa si Davis sa nakalipas na dalawang laro dahil sa ankle injury subalit sa laban kontra Grizziles, gumawa siya ng 8 sa 13 field goals si Davis, 11 sa 13 free throws at may tatlong blocks at dalawang steals.

Tinapos ng eight-place Pelicans ay ang kanilang apat na sunod na talo at dinagdan ang lamang sa Denver sa huling spot sa playoffs sa full game.

Nagdagdag ng 25 points si Nikola Mirotic at 15 naman si Jrue Holiday sa New Orleans.

Namuno sa Grizzlies si MarShon Brooks (25 points) at Ivan Rabb. Ang Grizzlies ang second-worst sa NBA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?