296
Moon Ji Yoon pumanaw na
Mar 19, 2020 @ 18:39
By

Moon Ji Yoon pumanaw na

Sa edad na 36, sumakabilang-buhay na ang South Korean model-actor na si Moon Ji Yoon.

Pumanaw ito kagabi, Marso 18, 2020, dahil sa sepsis o blood poisoning.

Naospital si Moon dahil sa malubhang sore throat ngunit nang makitang abnormal ang marami sa kanyang organ ay nilipat sa ICU. Doon na siya nawalan ng malay at namatay.

Nilinaw naman ng kanyang agency Family ENT. na hindi namatay ang aktor dahil sa at nagnegatibo ito sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Nagsimula sa showbiz si Moon noong 2002 sa drama “Romance.”

Gumanap siya sa maraming palabas, kabilang ang
“Sassy Girl Chunhyang” at “Weightlifting Fairy Kim Bok-joo,” at mga pelikulang “Mr. Wacky,” “Cheese in the Trap,” at “Whatcha Wearin’?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?