3
horse-race1
By

Moon Fire pupuntos ulit

Sharing is caring!

Ang kabayong ito ni Emmanuel A. Santos na si Moon Fire ang binibigyang muli ng malaking tsansa para manalo sa kanyang Condition-19 race. Ayon iyan sa mga racing expert.

Kagagaling lang sa isang magandang panalo itong si Moon Fire at ang tinalo niya noon ay ang outstanding favorite na si Gee/s Prize na kabayo ni Eddie Gonzales.

Si J.D. Duco ang dating naghatid sa panalo kay Moon Fire. Pero sa ngayon ay kambyo hinete ito kay Jerome Saulog. Ito kasing si J.D. Juco at papatong sa kalabang si High Quality na panlaban ng Jade Brothers Farm.

Sa ika-9 ng gabi ang magiging labanan dahil nasa penultimate card ang karera. Ang iba pang mga magsisitakbo roon ay sina Rio De Janiero ni J.G. Serrano, Sta. Fe ni J.L. Paano at Precious Jewel ni R.D. Raquel Jr.

Pito lang ang karera nagawa ng handicapping office ng San Lazaro Leisure Park.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?