624
abante-tonite-cesar-montano-wanda-teo

Montano sinisi si Teo sa P80-M ‘Buhay Carinderia’ scam

Sharing is caring!

Sinisi ni Tourism Promotions Board (TPB) chief operating officer Cesar Montano si dating Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo sa kontrobersiyang nilikha ng P80 milyong ‘Buhay Carinderia’ project ng kanyang tanggapan.

Sa panayam sa Dobol B sa News TV ng GMA 7, sinabi ni Montano na hindi siya ang utak ng nasabing proyekto kundi and dating DOT chief.

Aniya, si Teo din ang nagtulak na bayaran agad ng P80 milyon sa loob ng isang buwan ang Marylinbert International.

Ang nasabing marketing agency na pag-aari ng isang Erlinda Legazpi ang organizer ng “Buhay Carinderia”, isang video series project na nagpo-promote ng mga lokal na kanina.

Ang proyekto ay sinimula ni Legazpi noong 2011. Noong Marso 2018 lang ito inisponsoran ng TPB.

Samantala, pinabulaanan din ng aktor na kumita siya sa naturang proyekto ng TPB.

“Aboveboard po lahat ‘yan, wala po akong kinita diyan, hindi po ako dapat kumita diyan,” pahayag ni Montana sa panayam ng Doble B sa News TV.

Nauna nang pinagpapaliwanag ni newly appointed Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat si Montano kaugnay ng pagbayad ng 90% ng P80 milyon sa Marylinbert International kahit na hindi pa nakukumpleto ang proyekto.

Sinuspinde rin Puyat ang lahat ng proyekto ng TPB hangga’t hindi natatapos ang pagrebyu ng Commission on Audit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?